Luke 12:54-56

Magmatyag sa mga Nangyayari Ngayon

(Mat. 16:2-3)

54Sinabi ni Jesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyo ang makapal na ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at umuulan nga. 55At kapag umihip naman ang hanging habagat ay sinasabi ninyong iinit, at umiinit nga. 56Mga pakitang-tao! Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa lupa at sa langit, pero bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon?

Copyright information for TglASD